TUGUEGARAO CITY- Patuloy umano na nababawasan ang bikang ng New People’s Army sa Region 2.

Sinabi ni Brigadier General Lawrence Mina, Commanding Officer ng 502nd Infantry Brigade na ito ay dahil sa patuloy na pagsuko at pagkakaaresto sa ilang miembro ng rebeldeng grupo.

Ayon kay Mina, ngayong taon ay 19 na ang nasa custody ng mga otoridad na mga sumuko at mga naaresto na miembro ng NPA.

Nitong Martes ay nadagdag sa bilang ang naarestong tatlong lider umano ng NPA at isang miembro na pawang mga babae sa Gattaran at Tuguegarao City.

Sinabi ni Mina na nagpapatunay ito na seryoso ang militar sa kampanya laban sa insurgency bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Mina na ang isa sa naarestong lider umano ng NPA noong Martes na si Christina Miguel Garcia at noong Lieutenant pa nila tinutugis at ngayon lang na heneral na siya sila nagkaharap ng personal.

Sinabi ni Mina na ito ay dahil sa mahirap ding matukoy ang mga miembro ng NPA dahil sa nakikisalamuha ang mga ito sa mga mamamayan.