Tuguegarao City- Pumalo na sa 75 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Region 2.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, walong COVID-19 confirmed cases ang panibagong nadagdag sa nasabing bilang na mula sa iba’t ibang lalawigan sa Rehiyon.

Kabilang sa mga nadagdag ay si CV68, 48 anyos na lalaki mula Ramon, Isabela, CV69, 44 anyos na lalaki, OFW sa Saudi mula sa Quezon, Nueva Vizcaya, CV70 na 27 anyos na lalaki na galing ng Antipolo, Rizal, residente sa Bayan ng Enrile at maging si CV71, 24 anyos na babaeng galing sa Pasay City at residente sa Bayan ng Lallo.

Dagdag pa rito ay nagpositibo rin sa virus si CV72 na isang 33 anyos na babaeng OFW sa Kuwait, mula Quezon, Isabela, CV73, 32 anyos na lalaki, OFW sa Saudi mula bayan ng Lasam, CV74 na 26 anyos na babae, OFW sa Dubai, mula Tumauini, Isabela at si CV75 na isang 56 anyos na babaeng galing ng Malabon, Manila at mula sa Quezon, Isabela.

Nagsasagawa na ngayon ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga pasyenteng nag positibo sa sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nasa iba’t ibang isolation facilities na ang mga pasyente at patuloy na nagpapagaling mula sa nakakahawang sakit.