Tuguegarao City- Nadagdagan ng 13 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Region 2 habang isa naman ang naiulat na karagdagan sa bilang ng mga nasawi mula sa Nueva Vizcaya.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, umabot na sa 766 ang total cases sa rehiyon kung saan 217 dito ang active cases, 541 ang recovered at walo naman ang bilang ng mga nasawi.

Kabilang sa mga nadagdag na kumpirmadong kaso ang tatlong pasyente mula sa Cagayan, walo sa Isabela, isa sa Santiago City at isa sa Quirino.

Sa pagtaya ng DOH Region 2 ay nasa 60% ang asymptomatic, 39% ang mild condition, 1% ang severe cases at habang walang naiulat na critical cases.

Kabilang din sa mga nakapagtala ng local transmission ang mga bayan at syudad ng Isabela partikular sa Roxas, Naguilian, Ilagan City, Tuguegarao City, Cagayan at sa Nueva Vizcaya naman ay ang Bayombong at Solano.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa DOH Region 2 ay apektado rin ng local transmission ang mga work places tulad ng PNP Tuguegarao, CVMC, Agani Quarantine Facility sa Alcala at Camp Melchor F. Dela Cruz sa Echague, Isabela.

Muling ipinapaalala sa publiko ang pagsunod sa mga inilatag na precautionary health standards bilang pag-iingat pa rin sa banta ng COVID-19.