Bumaba umano ang mga vehicular accidents sa Region 2 batay sa pagtaya ng Land Transportation Office.
Sinabi ni Romeo Solomon Sergio Sales, director ng LTO Region 2 na ito ay bunga na rin ng pagbabantay ng mga tinawag nilang “smart riders” o ang mga pulis na deputized ng ahensiya para magsagawa ng inspection sa mga dumadaang mga sasakyan sa mga lansangan.
Dahil dito, sinabi ni Sales na nabawasan din ang mga naitatalang reckless imprudence resulting to death at damage to properties.
Inihalimbawa ni Sales ang Isabela na nakapagtala ng 24 percent na pagbaba ng bilang vehicular accidents sa third quarter ng taon.
-- ADVERTISEMENT --