Pininturahan ng kulay pink ang ilang kulungan sa Switzerland dahil sa paniniwalang makakatulong sa pagpapakalma ng mga preso.
Sinabi ni Daniela Spath, isang psychologist na sa loob ng 15 minuto bna pananatili ng isang nanggagaliiting preso ay kumalma umano kaagad.
Kaugnay nito, umaano si Spath na magiging matagumpay ang kanilang proyekto.
Samantala, bukod sa bilangguan, sinabi ni Spath na pininturahan din kulay pink ang ilang presinto.
Aniya, inunang pininturahan ang mga presintong pinaglalagyan ng mga naaaresto dahil sa labis na kalasingan kung saan naging mabisa naman umano ang paglalagay ng nasabing kulay dahil tumatahimik ang lasing at mabilis na nakakatulog.
Sa kabila ng magandang hangarin, tinutulan naman ng mga preso ang proyekto dahil parang hinihiya sila sa pamamagitan ng isang kulay na pambabae.