Bumaba pa ng apat na piso ang bilihan ng local na palay sa bayan ng Solana, kasunod ng implementasyon ng Rice Tarriffication Law.

Sa panayam kay Vice Mayor Meynard Carag, mula sa dating P20 ay ibinaba sa P16 ang buying price sa palay na malaking lugi sa mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng farm inputs.

Aminado ang lokal na pamahalaan na hindi maaaring i-obliga ang mga private traders na itaas ang pagbili ng palay dahil nakabatay aniya ang presyuhan sa law of supply and demand kung saan ramdam na ang pagbuhos ng supply ng imported na bigas sa Metro Manila na pinagdadalhan ng mga aning palay sa lalawigan.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa National Food Authority (NFA) na maglaan ng pondo sa pagbili ng produkto ng mga magsasaka sa mas mataas na halaga.

Bagamat mayroong mechanized assistance na nakapaloob sa umiiral na rice tarrification law subalit matagal pa umano bago maramdaman ang impact nito.

-- ADVERTISEMENT --

Ang bayan ng Solana ang tinaguriang top rice producer municipality sa lalawigan ng Cagayan

Sa kabila nang pagbaba ng presyo ng palay, napanatili naman ng National Food Authority (NFA) ang effective buying price nito sa P20.70 kada kilo.