Isa nang ganap na tropical depression ang binabantayang low pressure area sa kanlurang bahagi ng Babuyan Group of Islands, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA.
Tatawagin itong #BisingPH.
Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA kaninang alas-3:00 ng madaling-araw, Hulyo 4, namataan ang sentro ng bagyong Bising sa layong 200 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-timog kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga maaapektuhang lugar, lalo na sa posibilidad ng pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.
Patuloy na mino-monitor ng ahensya ang galaw ng bagyo at maglalabas ng susunod na update.