Iniulat ng state weather bureau na isa nang ganap na bagyo o tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa pinakahuling ulat ng ahensiya kaninang alas dos ng madaling araw, opisyal na pumasok ng PAR ang nasabing bagyo at pinangalanan itong Bagyong Huaning.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Samantala, bukod kay Huaning, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang isa pang panibagong LPA na nasa labas pa ng PAR.

-- ADVERTISEMENT --