Tatlong mga low pressure area (LPA) na ang mino-monitor sa ngayon ng PAGASA.
Dalawa sa naturang LPA ay nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang isa rito’y nasa layong 1,140 kilometro, silangan ng Central Luzon.
May mataas itong tiyansa na mag-develop bilang isang isang ganap na tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras at tatawaging Bagyong Dante.
Samantala, may ‘medium potential’ naman na maging bagyo ang LPA na na-monitor sa layong 225 kilometro, silangan timogsilangan ng Basco, Batanes.
-- ADVERTISEMENT --
Ang ikatlong LPA na binabantayan ay nasa labas pa ng PAR sa layong 2,850 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Mayroon din itong katamtamang tiyansa na mag-develop bilang bagyo.