TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ng PNP ang kasong reckless imprudence resulting to homicide laban sa isang ginang matapos na masawi ang isang binatilyo nang salpukin ng motorsiklo ang kanyang kotse sa Abulug, Cagayan.

Sinabi ni PSMS. Alejandro Romina ng PNP Abulug, sa kanilang imbestigasyon, parehong direksion ang tinatahak ng kotse ni Eulalia Aquizilan, 53 ng Brgy. Centro, Abulug at motorsiklo ni Raven Cortez, 17.

Ayon kay Romina, mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo nang mabangga niya ang kotse ng ito ay mag-U-turn.

Nagtamo ng matinding tama sa kanyang ulo ang binatilyo na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.