
Kasalukuyan pa ang ginagawang search and retrieval operation ng Municipal Police Station ng Enrile, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Enrile, Tuguegarao Disaster Risk Reduction and Management Office, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa isang 13-anyos na lalaki na nalunod sa Cagayan river sa bahagi ng Barangay Maddarulog Sur, Enrile kahapon.
Ayon kay PCMS Jaime Lallaban, senior investigator ng PNP Enrile, nagtungo kahapon ng hapon ang binatilyo kasama ang tatlong iba pa na pawang mga menor edad sa ilog para maligo.
Sinabi niya na pumunta umano sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima at nang tignan siya ng kanyang mga kasama ay hindi na nila siya nakita kaya agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad.
Ayon kay Lallaban, ipinagpapatuloy ngayong araw na ito ang paghahanap sa biktima matapos na makita ito kahapon.
Nabatid na hindi marunong lumangoy ang biktima.
Bukod dito, hindi umano nagpaalam ang grupo ng biktima sa kanilang mga magulang sa kanilang pagpunta sa ilog.