TUGUEGARAO CITY- Financial problem at pag-ibig ang nakikitang dahilan ng PNP sa pagpapakamatay ng isang binatilyo sa Peñablanca, Cagayan.
Sinabi ni PSMSGT Darwin Damaso ng PNP Peñablanca, ito ay batay sa nakuha nilang suicide note umano ng 17 anyos na biktima.
Ayon kay Damaso, nakasaad sa umano’y suicide note na pakiramdam niya ay pabigat na siya sa kanyang tiyahin na nagsisilbi niyang guardian at may binanggit dito tungkol sa problema niya sa pag-ibig.
Sinabi ni Damaso na nakikitira ang binatilyo sa kanyang tita sa Brngy. Agugaddan.
Ayon pa kay Damaso, hiwalay umano ang mga magulang ng biktima na tubong Batangas.
-- ADVERTISEMENT --
Una rito, nakita ng lola ng binatilyo na nakabitin ang biktima sa kusina ng bahay ng kanyang tiyahin gamit ang kumot.