TUGUEGARAO CITY- Depresyon ang nakikitang dahilan ng PNP sa pagpapakamatay ng isang 15 anyos na binatilyo sa Buguey, Cagayan madaling araw ng Araw ng mga Puso.

Sinabi ni PSSGT Harold Langcay ng PNP Buguey, sa kanilang imbestigasyon sa guardian ng biktima, February 13 nang sabihin sa kanya ng binatilyo na hiniwalayan siya ng kanyang girlfriend.

Ayon kay Langcay, maaaring dinamdam ng binatilyo ang pangyayari kaya siya nagbigti.

Idinagdag pa ni Langcay na papunta sana sa banyo ang guardian ng makita niya na nakabitin ang binatilyo at wala ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --