Tampuhan at selos sa kasintahan ang nakikitang dahilan ng isang binatilyo sa pagbigti sa Solana, Cagayan madaling araw ng Enero 1, 2020.

Sinabi ni PCapt. Junjun Balisi, hepe ng PNP Solana na batay sa imbestigasyon, nabasa nila sa cellphone ng binatilyo na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang gilfriend.

Ito ay matapos na tumanggi ang babae na sunduin siya dito sa Tuguegarao City na nakikipag-inuman sa kanyang mga barkada.

Kasunod nito, ay nagpaalam ang binatilyo sa kanyang boss na breeder ng manok at sa iba pa na kasama nila sa inuman.

Bago umano umalis ang binatilyo sa inuman ay nagpasalamat siya sa kanyang boss.

-- ADVERTISEMENT --

Nakita na lang na nakabitin at wala nang buhay ang binatilyo ng umaga ng Enero 1, 2020 sa tinulugan niyang bunkhouse.