
Patay ang isang binatilyo matapos magpositibo sa rabies makaraang makagat siya ng aso isang linggo na ang nakalipas sa Davao del Sur.
Ayon sa Municipal Health Office ng Magsaysay, binawian ng buhay noong Hunyo 10, ang 14-anyos na binatilyo dahil kumalat na sa buong katawan nito ang rabies dahil hindi ito agad ito nadala sa health center.
Sinabi ng mga opisyal ng MHO, dinala binatilyo sa ospital matapos na makitaan ng mga sintomas tulad ng pamamanhid, takot sa tubig, at pagiging balisa.
Dahil dito, binakunahan ang 30 iba pa matapos umanong kainin ang kare ng aso na pinaniniwalaang may rabies sa Barangay Tacul, Magsaysay.
Lumabas sa imbestigasyon na kinatay at niluto ng ilang residente ang asong kumagat sa biktima.
Aabot sa 30 katao ang kumain ng karne ng aso at agad na isinailalim sa post-exposure prophylaxis vaccination upang makaiwas sa impeksyon.
Patuloy ang paalala ng health authorities na huwag basta-basta pumatay o kumain ng karne ng mga hayop na posibleng may rabies.
Nagpapatuloy din ang monitoring ng Rural Health Unit sa iba pang nakasalamuha ng aso. Mary Anne Sapico
Ang rabies ay isang nakamamatay na viral infection na nakukuha mula sa mga hayop na mayroong rabies virus.
Nakakamatay ito para sa mga hayop at sa mga tao.
Nakukuha ang rabies mula sa laway ng infected na hayop.
Karaniwang naipapasa ito kapag kinagat ng infected na hayop ang isang tao.