Nagulantang ang lungsod ng Marseille sa France sa dalawang pinaniniwalaan na drug-related killings, kabilang ang pagpatay sa 15 years old na lalaki na 50 beses na sinaksak at sinunog ng buhay.

Ang Marseille, ikalawang pinakamalaking lungsod ng France, subalit itinuturing din na pinakamahirap, ay nakakaranas ng mga karahasan may kaugnayan sa droga.

Nitong mga nakalipas na taon ay nagkaroon ng labanan para sa kontrol ng highly profitable drug market sa pagitan ng iba’t ibang gangs kabilang ang DZ Mafia at Yoda.

Ang problema ay muli na namang nalantad sa mata ng publiko kahapon, matapos na sabihin ni prosecutor Nicolas Bessone na pabata nang pabata ang mga biktima at mga salarin ng mga katulad na karahasan.

Pinatay ang 15 years old na lalaki noong Miyerkules.

-- ADVERTISEMENT --

Binaril-patay naman noong Biyernes ang football player na si Nessim Ramdane ng isang 14 years old na lalaki na pinaghihinalaan na may kaugnayan sa nangyaring pagpatay noong Miyerkules.

Umaabot na sa 17 kaso ang drug related-killings sa Marseille ngayong taon.