Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bubuo ito ng partnership sa social media platform TikTok para i-promote ang tax education at mapataas ang voluntary compliance.

Sinabi ni Internal Revenue Commissioner Charlie Mendoza na nagkaroon na sila ng pulong sa TikTok team na pinangunahan ni Yvez Gonzales, head ng Public Policy for TikTok in the Philippines, at tinalakay ang kanilang partnership.

Sa ilalim ng kanilang panukalang collaboration, sinabi ng BIR na susuportahan ng TikTok ang ahensiya sa paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng maiksi, platform- appropriate content at creator-led materials, partikular sa panahon ng Awareness Month sa buwan ng Pebrero.

Ang BIR naman ang magsasagawa ng on-site at online workshops sa TikTok, saklaw ang taxpayer registration, taxable income streams, filing and payment procedures, at common compliance issues.