Muling binalaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng business establishment owners sa rehiyon na mahaharap sa kaparusahan ang sinomang mapatutunayang hindi nag-iisyu ng official receipts.

Ayon kay Clavelina Nacar, regional director ng BIR-RO2 na mandatory requirement sa lahat ng business establishment ang pag-iisyu ng Official Receipt sa mga kustomer.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Nacar na ayos lang na magpagawa ng maraming resibo ang mga business establishment dahil limang taon pa naman ito na magagamit.

Hinihikayat din ng BIR ang publiko na isumbong sa ahensiya sa pamamagitan ng sulat ang mga establisyimentong hindi nag-iisyu ng OR.

Sakaling matanggap ang reklamo ay isasailalim ito sa background check at kung mapatunayan na lumalabag ito sa batas ay pananagutin ito.

-- ADVERTISEMENT --