Umapela ang Bureau of Internal revenue (BIR) sa mga tax payers na mayroon nang dating naitabi na pambayad ng buwis na ikonsidera ang pagbabayad ng maaga.
Ayon kay Reymarie Dela Cruz, revenue district officer ng Cagayan-Batanes na tumatanggap ang ahensiya ng sinumang nais na magbayad ng kanilang buwis, bagamat sa ika-15 ng Mayo ngayong taon pa ang itinakdang deadline.
Aniya, naglatag ng skeletal force ang BIR para matugunan ang mga tax payers na magkukusang magbayad sa pamamagitan ng online o pagtawag sa kanilang hotline, alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine.
Binigyang diin ni Dela Cruz na mas kinakailangan ngayon ng pamahalaan ang pondo na gagamitin para matugunan ang problema na dulot ng COVID-19.
Matatandaan na pinalawig ng BIR ng isang buwan ang deadline sa pagbabayad ng buwis mula sa dating Abril 15 ay ginawang hanggang Mayo 15.