Pansamantalang sinuspendi ng isang bus company ang kanilang biyahe ngayong araw dahil sa nararanasang pagbaha sa kalakhang Maynila.

Batay sa paabiso ng Florida Bus, kinansela ang lahat ng biyahe mula Sampaloc-Cagayan at Ilocos gayundin ang biyahe mula Cubao-Cagayan/Ilocos at vice versa.

Ayon sa transport company, mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon kung saan pinayuhan ang mga biyahero na manatiling nakaantabay para sa karagdagang mga update tungkol sa pagpapatuloy ng mga biyahe.

Dagdag pa nito na ang mga pasaherong nakapag-pareserba ay makakapag-reschedule ng kanilang mga tiket nang walang karagdagang gastos sa sandaling ipagpatuloy ang travel operations.

Samantala, inabisuhan naman ng Victory liner ang mga mayroong padala na asahan ang delay sa pagdating ng mga cargo dahil sa nagkakaroon ng delay sa pagbukas ng kanilang drop and go branches dahil sa pagbaha sa kalakhang Maynila.

-- ADVERTISEMENT --