Tuguegarao City- Nakalikom ng mahigit P1M pondo ang Cagayan Police Provincial Office sa inilunsad na “Biyaya para sa Barangay project” upang itulong sa mga labis na naapektuhan sa gitna ng nararanasang krisis pangkalusugan.

Ayon kay PCOL Ariel Quilang, Provincial Director ng CPPO, nasa halos 2K miyembro ng Cagayan PNP katuwang ang mga Non Uniformed Personel ang nagbigay ng donasyon para sa naturang proyekto.

Sinabi nito nasa P1.8M ang kabuuang halaga ng nalikon ng CPPO kung kaya’t nagsimula na silang maglunsad ng relief operation sa iba’t ibang mga lugar sa Cagayan.

Sa ngayon ay nasa mahigit limang libong pamilya na ang nabigyan ng mga relief goods habang patuloy pa sa pamamahagi ang naturang tanggapan sa mga hindi pa naaabot na lugar.

Pinasalamatan naman nito ang lahat ng mga miyembro ng PNP sa suporta at kooperasyon para sa tagumpay ng proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inihayag pa ni Quilang na nasa mahigit 2k na rin ang mga napagsilbihan ng pulisya sa kanilang “libreng sakay project” mula sa mga bayan ng Solana, Iguig, Peñablanca at sa lungsod ng Tuguegarao.