TUGUEGARAO CITY- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi hadlang ang pagkakabilanggo upang hindi makatulong sa kanilang pamilya.
Ayon kay JSI Shiryl Mae Saquing, chief CRS ng BJMP-RO2 na sa pamamagitan ng kanilang mga livelihood program sa mga persons deprived of liberty (PDL) ay nakapagbibigay ang mga ito pera para sa kanilang pamilya.
Aniya, nasa P2,000 ang pinakamataas na pwedeng hawakan ng bawat PDL sa pasilidad mula sa kanilang kita sa livelihood.
Dahil dito, nanawagan si Saquing sa publiko na tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga PDL tulad ng bonsai bids.