Bureau of Jail Management and Penology

TUGUEGARAO CITY-Handang-handa na ang Bureau of Jail Management and Penology(BJMP)Region II sa pagboto ng mga registered Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa darating na May 13 midterm election.

Ayon kay Jail Senior Inspector Shiryl Mae Saquing, Chief of the Community Relations Service Section ng BJMP Region II, nasa kabuuang bilang na 1,282 ang registered voters na PDLs sa rehiyon ang boboto sa national election lamang.

Aniya, mula sa nasabing bilang 925 umano dito ay boboto sa loob ng mga district Jail habang ang 357 ay sasamahan ng mga jail officers na boboto sa pinakamalapit na polling precinct sakanilang lugar.

Ipinaliwanag ni Saquing na kailangang i-assist sa pinakamalapit na polling precints ang ibang PDL voters dahil mas mababa sa 100 ang mga botante sa nasasakupang kulungan.

Dagdag ni saquing na kung mas mababa sa 100 ang mga botante ay hindi ito ikinokonsidera na isang polling precinct kung kaya’t kailangan itong ilipat.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Saquing na ang pagboto ng mga PDLs ay paggalang sa karapatan ng mga ito na bumoto at piliin kung sino ang sa tingin nila’y nararapat na maging lider sa bansa.