
Kung may white jewel strawberries ang Japan, hindi naman nagpapahuli ang China sa kanilang dark variety na tinawag nilang “Black Pearl.”
Binansagang “the Hermes of strawberries” dahil sa mahal ito kumpara sa karaniwan na strawberry varieties, sinasabi ang nasabing dark red fruit ay mas matamis kumpara sa ibang varieties.
Subalit ang presyo nito na $45 per pound ay dahil sa konti pa lang na supply.
Ayon sa mga strawberry growers sa Hangzhou at Qingdao, mas mahirap umanong patubuin at palakihin ang Black Pearl stawberries kumpara sa mga karaniwan na strawberries.
Kamkailan lang ay sumikat ang ang Black Pearl strawberries at tumaas ang demand.
Ayon kay Li Bingbing, isang professor sa College of Horticulture, bahagi ng China Agricultural University, ang dark color o Black Pearl strawberries ay dahil sa mataas na anthocynanin.
Ang anthocyanin ay natural pigments at antioxidants na makikita sa maraming purple o black fruits at mga gulay, tulad ng blueberries at purple cabbage.










