Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P40 milyong halaga ng mga paputok na maling idineklara sa Manila International Container Port.

Ayon sa BOC, dalawang container mula China ang idineklarang “shelves” at “ceramic cups,” ngunit sa inspeksyon ay natuklasang naglalaman pala ng mga paputok.

Sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na patunay ito ng epektibong screening process ng ahensya laban sa pagpupuslit ng kontrabando.

Ipinagbabawal ang pag-aangkat ng mga tapos nang paputok at pyrotechnic devices sa ilalim ng Republic Act No. 7183.