Nangako ang Bureau of Customs (BOC) ang mabilis na pagpapalabas ng rice shipments sa Manila International Container Port (MICP).
Ito ay bilang tugon sa mga alalahanin sa posibleng pagkakaantala ng supply chain.
Sa statement, tiniyak ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa publiko na nagtatrabaho ang ahensiya para maiwasan ang disruptions at mapatigil ang hoarding ng mga bigas.
Ito ay kasunod nang inspection sa rice shipments noong September 25, na pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, kasama sina ACT-CIS Party-list Representatives Erwin Tulfo at Edvic Yap, kasunod ng mga ulat ng siksikan sa port.
Sinabi ni Rubio na walang siksikan sa port sa MCIP at nailabas na ang lahat ng shipments.
Kasabay nito, sinabi niya na ang pakaantala ay nag-ugat sa pagsasamantala ng mga importers sa 30-day window para kuhanin ang kanilang shipments pagkatapos magbayad ng customs at duties.
Una rito, nanawagan si Romualdez sa mga importers na bilisan ang paglalabas ng kanilang mga shipments, kasabay ng babala sa mga ito laban sa hoarding.