
Winasak ng Bureau of Customs Manila International Container Port (BOC-MICP) ang limang container ng smuggled na sigarilyo at tuyong dahon ng tabako na nagkakahalaga ng P179.03 milyon sa Porac, Pampanga.
Isinagawa ang destruction activity mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 2, 2026. Kabilang sa mga winasak ang apat na container ng sigarilyo at ang isang container ng dried tobacco.
Kinumpiska ang mga produkto matapos ang inspeksiyon noong Oktubre 8, dahil sa mga paglabag sa Graphic Health Warnings Law, TRAIN Law, at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon kay Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, mahalagang matiyak na hindi na makababalik sa merkado ang mga kontrabando upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko, kita ng pamahalaan, at mga lehitimong negosyo.
Samantala, binigyang-diin ni MICP District Collector Atty. Felipe Geoffrey K. De Vera IV ang kahalagahan ng pagsunod sa mga legal na proseso sa pagsira sa mga nakumpiskang produkto.










