Maraming rice buffer stocks ang mga warehouses ng National Food Authority (NFA) sa bansa, kahit pa dumaan ang sunud-sunod na bagyo at habagat noong nakaraang linggo.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson na mayroong sapat na stocks ang NFA na maaaring tumagal ng 12 na araw.
Ito ay may 452,000 ng palay o humigit-kumulang 9 milyong sako ng bigas.
Samantala, inihayag din ng administrator ng NFA ang planong maglagay ng mga Kadiwa stores sa bawat bodega ng NFA sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Lacson na ito ay mapapakinabangan din ng mga magsasaka, dahil maaari na silang pumunta sa mas maraming lugar para ibenta ang kanilang palay.
-- ADVERTISEMENT --