PHOTO credit: 5ID Philippine Army

TUGUEGARAO CITY- Naniniwala ang AFP na tuluyan nang mabubuwag ang New People’s Army sa Cagayan Valley matapos na sumuko ang natitirang bomb maker ng rebeldeng grupo na kumikilos sa rehiyon sa 95th Infantry Battalion sa San Mariano, Isabela.

Sinabi ni Major Jekyll Dulawan ng 5th ID na kasamang sumuko ni ” ka Buddy” ang kanyang asawa na si “ka Rowena” na kapapanganak lamang nitong nakalipas na buwan.

Dala rin ng mag-asawa sa kanilang pagsuko ang tatlong m16 rifle.

Itinuro rin ni “ka Buddy” ang kinalalagyan ng mga bomba kung saan ay nakuha sa lugar ang 68 piraso ng bomba, detonating cord, remote control at iba pa.

Sinabi ni Dulawan na si ” ka Buddy ” ang natitirang bomb maker ng Regional Ordinance Group, ang pangunahing armed group ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.

-- ADVERTISEMENT --

Ang kanyang asawa naman ay dating escort ng napatay sa engkwentro na commander ng grupo na si ” Ka Yuni”.

Tinig ni Major Jekyll Dulawan ng 5th ID

Nabatid kay Dulawan na si ” Ka Buddy” ay sumapi sa NPA sa Legaspi noong 1998 at inilipat siya sa Isabela noong 2002.

Kaugnay nito, sinabi ni Dulawan na malaki ang naging epekto ng pagkamatay ni ” Ka Yuni” sa nasabing grupo.

Ayon sa kanya, nagkawatak-watak na ang mga miembro ng nasabing grupo ng NPA kaya karamihan sa kanila ay sumuko na sa pamahalaan.