TUGUEGAGARAO CITY- Dadalhin sa Police Regional Office No. 2 ang natagpuang bomba sa Peñablanca, Cagayan.
Sinabi ni PCAPT Rohaina Asalan, hepe ng PNP Peñablanca na nakita ng mga residente sa Wawang Bridge sa Brgy. Callao ang nasabing bomba habang sila ay nangangahoy.
Agad na ipinagbigay alam ito ng mga residente sa kanilang kapitan na isinangguni naman sa PNP.
Ayon kay Asalan ang nasabing bomba ay katulad ng vintage bomb na nakita rin kamakailan sa Linao East, Tuguegarao City.
Kaugnay nito, sinabi naman ni PLT Andree Abella ng PNP Region 2 na hindi siya tiyak kung magkakaugnayan ang mga mga narerecover na mga bomba sa lalawigan pagkatapos ng baha.
Ayon sa kanya, posibleng ang mga nasabing bomba ay noong panahon ng World War 2 dahil sa kinakalawang na mga ito.
Matatandaan na dalawang maliliit na bomba ang narecover sa Gattaran,isa sa Sta.Teresita, isang 1000 pound na bomba sa Linao East Tuguegarao City at ang pinakahuli sa Peñablanca.