
Nagwagi sa unang pwesto bilang Ulirang Mamamahayag sa media category ang chief of reporter ng Bombo Radyo Tuguegarao sa ginanap na Gawad Pahayag 2025 ng Philippine Information Agency Region 02.
Ang parangal na nakamit ni Bombo Marvin Cangacang ay bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa paghahatid ng tamang impormasyon sa publiko at pagsusulong ng responsableng pamamahayag.
Ang dedikasyon ni Cangcang ay itinuturing na isang mahalagang bahagi sa patuloy na laban kontra misinformation at sa pagpapalakas ng ugnayan sa publiko.
Itinuturing naman ni Cangcang na ang tagumpay na ito ay hindi lamang gantimpala, kundi inspirasyon at hamon na lalo pang paghusayin ang makabuluhan at wastong paglalahad ng impormasyon para sa publiko.
Ang Gawad Pahayag ay pagkilala sa mga ahensya at indibidwal na tapat sa paglilingkod at mahalaga sa pagpapalaganap ng impormasyon, lalo na sa mga programa ng pamahalaan para sa pagtugon sa sakuna at iba pang pangangailangan ng publiko.




