Kabilang ang Bombo Radyo Tuguegarao at Bombo Radyo Cauayan sa mga kinilala sa Likha at Laya Awarding Ceremonies kahapon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.

Tinanggap nina Bombo Ruby Ibay at Gayle Zaneth Olunan ang nasabing award.

Kaugnay nito, sinabi ni Lucia Alan, director ng DWSD Region 2 na ang award ay bilang pagkilala sa patuloy na suporta ng mga miyembro ng media sa paglalapit ng mga programa at mga serbisyo ng pamahalaan.

Ayon sa kanya, ang media ang mahalagang partner ng DSWD sa paghahatid ng kanilang mga adboksiya at patuloy na ipinapamagi ang kanilang mga programa at serbisyo.

Ang Likha at Laya Awards ay pagpapakita ng commitment ng DWSD sa pagpapalakas ng partnership sa media sa pagsusulong ng transparency, public awareness, at epektibong paghahatid ng social protection programs sa buong Lambak ng Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --