Muli na namang tumanggap ng prestihiyosong parangal ang Bombo Radyo- Tuguegarao sa katatapos na 43rd Catholic Mass Media Awards (CMMA), kung saan nasungkit ng himpilan ang isa sa mga bigating awards ng gabi para sa Best Public Service Program.

Mula sa siyam na entries, anim ang nakapasok sa Finalists kung saan pinarangalan ng CMMA ang Bombo Radyo Tuguegarao para sa programang Zona Libre na nagtatampok sa Pabahay Project sa bayan ng Baggao, Cagayan para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan noong nanalasa ang Bagyong Ulysses sa lalawigan.

Maituturing namang isang napakagandang regalo ngayong Pasko para sa radio host ng programa na si Bombo Marvin Cangcang ang mapabilang sa mga big winner ng CMMA.

Inihayag nito na masaya siya na nagsilbing tulay ang kanyang programa sa Bombo Radyo para maipaabot sa mamamayan ang mga impormasyon na makakatulong sa kanila para muling makabangon sa gitna ng kalamidad.

Sa kanya namang mensahe, inihayag ni Bombo Maricris Montilla, station manager ang kanyang pasasalamat at magsilbi sanang inspirasyon sa iba ang nakuhang parangal.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na sa mga nakalipas na parangal ay nasungkit ng Bombo Radyo Tuguegarao ang Best News Program at Best Business Program bukod pa sa naging finalist sa ibat ibang kategoryadahil sa pagtaguyod nito ng mga programa na makakatulong na maiangat ang buhay ng mga mamamayan.

Samantala, Best News Feature naman ang nakuha ng Bombo Radyo Iloilo sa Bombo Special Report, Best News Feature awards ang Star FM Manila na “Babae sa Gitna ng Pandemya”.

Nakuha rin ng Star FM Manila ang special citation sa Best News Features.

Nagwagi naman bilang Best Entertainment Program ang Star Fm Bacolod sa “The Perfect 10 Countdown” habang Best News Program naman ang Star FM Baguio sa kanilang “Top of The Hour News”.

Special citation din ang nakuha ng Bombo Radyo Bacolod sa Best Counseling Program na “Kahapon Lamang”.