
Ililipat na sa general population ng New Quezon City Jail Male Dormitory si dating Senador Bong Revilla sa Martes matapos makumpleto ang mandatoryong pitong araw na medical quarantine, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni BJMP spokesman Jail Superintendent Jayrex Bustinera na may nairekomenda nang cell assignment para kay Revilla batay sa pinagsamang security, medical, at classification assessment.
Wala umanong nakitang problema sa kalusugan si Revilla at ang apat niyang co-accused sa panahon ng quarantine.
Gayunman, hindi isasama si Revilla sa selda ng kanyang apat na co-accused matapos humiling ang mga ito na hindi sila mailagay kasama ang dating senador.
Posible naman umano na mailagay si Revilla sa ibang persons deprived of liberty (PDLs), at may itatakdang mga kasamang detainee alinsunod sa patakaran ng BJMP.










