
Nagtungo sa Department of Justice nitong Lunes sina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at Senador Joel Villanueva upang magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng flood control project.
Ayon kay Atty. Francesca Señga, abogado ni Revilla, walang batayan ang reklamo at nakabatay lamang sa hindi kapani-paniwalang mga paratang.
Nanindigan naman ang abogado ni Villanueva na walang natanggap na kickback ang senador sa sinasabing flood control project sa Bulacan.









