
Nailipat na si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa general population ng New Quezon City Jail Male Dormitory, isang linggo matapos siyang dalhin sa pasilidad, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon sa BJMP, kasalukuyang nakakasama ni Revilla sa isang selda ang anim pang persons deprived of liberty (PDLs) na hindi konektado sa kaso ng anomalous flood control project sa Bulacan.
Bago ang paglilipat, bumisita kay Revilla ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, kabilang ang kanyang asawa at Cavite 2nd District Representative Lani Mercado, mga anak nilang sina Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla at AGIMAT Party-list Rep. Bryan Revilla, kapatid na si dating Antipolo Mayor Andrea Bautista-Ynares, at ang longtime friend na si Niño Muhlach, na nagdala pa ng ensaymada para sa kanya.










