Ipinahayag ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang pagkadismaya sa inilabas na warrant of arrest at hold departure order (HDO) ng Sandiganbayan Third Division kaugnay ng umano’y ₱92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sa isang video statement na kanyang ibinahagi nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Revilla na tila kulang umano sa due process ang naging hakbang ng korte laban sa kanya.

Iginiit ng dating senador ang kanyang kawalang-sala sa nasabing kaso at tiniyak na handa siyang humarap sa proseso ng batas upang linisin ang kanyang pangalan.

Humiling din si Revilla ng panalangin mula sa publiko para sa kanya at sa kanyang pamilya sa gitna ng kinahaharap na isyu.