Nagbitiw na si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at tinanggap ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., epektibo Setyembre 1, 2025.

Samantala, itinalaga ng Pangulo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH.

Inatasan si Dizon na magsagawa ng full organizational sweep at tiyaking magagamit lamang sa mga proyektong pang-imprastruktura ang pondo ng bayan.

Kasabay nito, si Atty. Giovanni Lopez ang pansamantalang uupo bilang acting secretary ng DOTr.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi siyang undersecretary para sa Administration, Finance, at Procurement, at naging chief of staff ng DOTr mula 2020 hanggang 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Bilang tugon sa isyu ng umano’y iregularidad sa flood control projects, nagtatag ang Pangulo ng Independent Commission to Investigate Flood Control Anomalies na magsusuri at magrerekomenda ng kaukulang pananagutan.

Naugnay ang pagbibitiw ni Bonoan sa kontrobersiya sa flood control projects, kung saan ibinunyag ng Pangulo na 20% ng P545 bilyong pondo ay napunta lamang sa 15 kontratista.

Suspendido rin ang ilang district engineers at opisyal dahil sa “ghost projects” at mga alegasyon ng suhol.