
Patuloy ang natatangap na pagkilala ng white beach ng Boracay matapos itong mapasama sa listahan ng Best of the Best Beaches in Asia para sa 2026 Traveler’s Choice Awards ng TripAdvisor.
Nasa ika-anim na pwesto ang Boracay White Beach, na pinuri dahil sa sikat na pinong puting buhangin nito at magandang sunset view.
Nanguna naman sa listahan ang Banana Beach sa Phuket, Thailand na sinundan ng Kelingking Beach ng Indonesia, Radhanagar at Palolem Beach ng India, at Mirissa Beach ng Sri Lanka na nasa pang-limang pwesto.
Pasok din sa pang-pitong pwesto ang Bentota Beach ng Sri Lanka, na sinundan ng Railay Beach ng Thailand, Nusa Dua Beach ng Indonesia at pang sampung puwesto ang Cenang Beach ng Langkawi, Malaysia.
Hindi ito ang unang beses na kinilala ang Boracay.
Noong 2025, itinanghal din ito bilang ika-apat sa pinakamagandang beach sa Asya.







