Nanalo ang Boston Celctics laban sa Dallas Mavericks sa Game 2 at hawak na ang 2-0 sa NBA Finals.
Naging maganda ang umpisa ng Dallas kung ikumpara sa Game 1 kung saan ay leading sila sa score na 28-25.
Nanguna si Luca Doncic na may 13 points sa 5 of 7 shooting, subalit nagkulang ang Mavericks na makuha ang mga puntos sa 4 of 9 mula sa foul line.
Muling pinangunahan ni Kristaps Porzingis ang Boston na may 8 points sa 2 of 3 shooting na may block.
Sumang-ayon ang second quarter sa Boston matapos na maungusan ang Mavericks sa 54-51.
Si Jrue Holiday ang nanguna naman at best scorer na may 17 points habang nagkumahog naman si Jayson tatum sa limang puntos at walong assists.
Subalit nanatiling one-dimensional ang Dallas kung saan nakapagtala ng 23 points si Doncic.
Nakapagtala si Kyrie Irving ng souble figure-points sa 5 of 10 shooting habang seven points naman kay Derrick Jones Kr.
Nagsimulang lumayo ang lamang ng Boston sa 13-point lead sa third quarter.
Sa fourth quarter, hindi nakagawa ng sapat na offense ang Dallas kay Doncic na dahilan ng kanilang pagkatalo.
Tinapos ng Boston ang laro sa kanilang apat na players na nagbigay ng 18 points.
Pinangunahan ni Holiday ang koponan sa 26 points, habang si Jaylen Brown ay 21 at tig-18 points naman sina Derrick White at Jayson Tatum.
Ang Game 3 ay sa Dallas.
Kailangan na manalo ng Mavericks sa Game 3 at maging sa Game 4 upang maiwasan na ma-sweep sila ng Boston.