Naniniwala si dating Senador Antonio Trillanes IV na posible pang magbago ang paninindigan ng mga senador sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kapag nagsimula na ang impeachment trial.

Ayon kay Trillanes, batay sa kanyang karanasan noong 2012 impeachment trial kay dating Chief Justice Renato Corona, nagbabago ang desisyon ng mga senator at judge depende sa mga lumalabas na ebidensya, pananaw ng publiko, at iba pang isyu sa proseso.

Ibinahagi niya na noon ay hindi rin agad malinaw kung ilang senador ang boboto para sa conviction, pero kalaunan ay umabot ito sa mahigit two-thirds ng Senado.

Si Trillanes ay isa sa mga senador na bumoto noon para ma-convict si Corona.

Sa ilalim ng proseso ng impeachment, kinakailangan ng 16 boto sa Senado para mahatulan at ma-convict ang isang impeachable official.

-- ADVERTISEMENT --