Nagdulot ng rockslide sa Baguio City dahil ang mga pag-ulan na dala ng bagyong Crising nitong nakalipas na linggo.

Bumagsak sa ilang kabahayan at nakaparke na sasakyan ang malalaking boulders sa Kennon Road sa Barangay Camp 7 noong July 19.

Walong pamilya na binubuo ng 32 indibidual ang naapektohan sa pagbagsak ng dalawang boulder, ayon sa Baguio City Information Office, batay sa ulat mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sa unang pagbagsak ng boulder, tinamaan ang isang bahay at isang sasakyan, na sinundan pa ng pagbagsak ng malalaking bato.

Sa kabutihang-palad, lumikas ang mga residente sa lugar bago pa man mangyari ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, namatay ang alagang aso ng isang pamilya.

Samantala, sinabi ni Major Benjamin Magalong na walang naiulat na nasugatan o mga namatay sa lungsod bunsod ng sama ng panahon.

Pansamantalang isinara ang Kennon Road dahil sa posibleng panganib.

Nagsasagawa na ng damage assessment ang personnel ng CDRRMO, City District Engineering Office at barangay officials at upang mapigilan ang katulad na mga insidente.