Gumagawa ng milyong-milyong fans online ang isang dalawang buwang gulang na pygmy hippo na si Moo Deng sa Thailand.
Bukod dito, marami ang pumupunta sa Khao Kheow Open Zoo, sa Bangkok para lamang makita si Moo Deng.
Naging sikat si Moo Deng matapos na i-post sa social media ng mga keepers ng zoo ang buhay ng nasabing hayop.
Ayon kay Narongwit Chodchoy, director ng zoo, marami ang natutuwa sa natural charisma at pagiging cute ng nasabing hippo.
Sinabi ni Narongwit na tumaas ng 30 percent ang mga bumibisita sa zoo.
Subalit, naglabas ng babala si Narongwit dahil sa may mga nangyayaring disruption sa buhay ni Moo Deng dahil sa kanyang kasikatan.
Ayon sa kanya, may isang turista na binuhusan ng tubig si Moo Deng habang may isa naman na nagtapon ng shell habang siya ay nakahiga sa sahig.
Ang ibig sabihin ng Moo Deng sa Thailand ay “bouncing pig.”
Ayon sa UK-based Pygmy Hippo Foundation, ang Pygmy hippos ay mas maliit na kamag-anak ng malalaking hippopotamus at itinuturing sila na endangered species dahil nasa 2,000 ang naninirahan sa kagubatan, karamihan sa Liberia, Sierra Leone, Guinea at Ivory Coast.