Isinusulong ng Department of Agriculture (DA)-Region 2 ang kakaibang bouquet para sa nalalapit na valentines day.
Sa halip na bulaklak, sariwang agricultural products tulad ng gulay at prutas ang kanilang isinusulong bilang panregalo ngayong araw ng mga puso.
Sinabi ni Rose Mary Aquino ng DA-RO2, nagsimula silang tumanggap ng orders nitong Pebrero 1 kung saan sinimulan ang deliveries ngayong araw hanggang sa mismong araw ng mga puso.
Nabuo ang nasabing programa para sa mga hindi kayang makabili ng mga mamahaling bulaklak na panregalo sa kanilang minamahal at para matulungan din ang mga magsasaka dahil direktang manggagaling sa kanila ang mga ibebentang gulay at prutas.
Tampok sa programa ang pinakbet bouquet, chopsuey bouquet, prutas na may iba’t-ibang kombinasyon na nagkakahalaga ng nasa P300 hanggang P350.