Sumang-ayon sa exhibition boxing match sina Boxing legends Floyd Mayweather Jr. at Mike Tyson.

Gayunman, wala pang eksaktong petsa kung kailan isasagawa ang laban.

Wala pang nakukuhang professional win si “Iron” Mike Tyson buhat ng kanyang TKO victory laban kay Clifford Etienne noong Pebrero nang 2003, sa kanyang apat na pinakahuling laban sa loob ng 22 taon na nagtapos sa tatlong talo at isang draw.

Ang kanyang pinakahuling laban ay kay Jake Paul noong November 2024, kung saan natalo si Tyson sa pamamagitan ng unanimous decision.

Hindi maisasama ang laban kay Mayweather sa kanyang professional record.

-- ADVERTISEMENT --

Kilala naman si Mayweather sa kanyang 50-0 record, kung saan nagretiro siya sa professional boxing pagkatapos ng TKPO victory laban kay Conor McGregor noong August 2017.

Buhat noon ay sumali siya sa apat na exhibition matches, kung saan nagkaroon siya ng record na tatlong panalo at isang draw.

Iaanunsiyo ng co-founders ng CSI Sports na sina Richard at Craig Miele ang mga detalye kung saan isasagawa ang laban at wieght class sa susunod na mga buwan.