Muling nagbabala ang Business Permit Licensing Office (BPLO) laban sa mga business establishments sa Tuguegarao City na hindi nagpapatupad ng minimum public health protocols.
Itoy kasabay ng isinagawang surprise inspection dahil sa mga natanggap na report ng BPLO mula sa mga concerned netizen hinggil sa mga paglabag ng ilang mga establisyimento na nagpapapasok ng mga customers nang walang COVID-Shield control pass.
Ayon kay BPLO Head Ynez Bunagan, naging maayos naman ang isinagawang inspekyon sa unang limang establisyimento at ipinagpatuloy ito ngayong araw.
Babala ni Bunagan na maaaring patawan ng parusa na posibleng umabot sa pagpapasara ng negosyo ang sinumang mapapatunayan na lumalabag sa ordinansa.
Magpapatuloy naman ang nasabing operasyon sa ibat ibang bahagi ng Lungsod para sa kaligtasan ng mga mamamayan at gagawin nila ito nang walang paabiso.