Muling nagbabala ang Business Permit and Licencing Office ng Tuguegarao City sa mga business establishments kaugnay sa hindi pagkuha o pag-renew ng permiso sang-ayon sa batas ay maaring maging dahilan ng pagpapasara ng negosyo.
Itoy matapos matukoy sa pag-iikot ng Joint Inspection Team sa mga negosyo sa bawat barangay na marami ang hindi rehistrado habang may mangilan-ngilan namang hindi pa nakakapag-renew ng kanilang permit.
Sinabi ni Ryan Balubal, tagapagsalita ng BPLO na mula May 8 hanggang July 21 at September 1 hanggang 8 ngayong taon ay nasa mahigit 300 mula sa mahigit 1200 na establisyimento sa lungsod na isinailalim sa inspeksyon ang unregistered.
Karamihan aniya sa mga ito ay foodhouse, boarding houses, apartments at sari-sari stores.
Dahil dito ay hinikayat ni Balubal ang mga business owners na lumapit lamang sa BPLO para sa proseso ng pagpaparehistro sa negosyo upang maiwasan ang pagpapasara nito.
Samantala, isasagawa ngayong Martes, Spetember 12 ang seminar sa mga business owner sa Lungsod kaugnay sa waste segregation at use of plastics na isasagawa sa Mall of the Valley.