Nakatakdang umukit ng record sa kasaysayan si Brazillian table tennis player Bruna Alexandre.

Ito ay dahil napili siyang maglaro sa Olympics at Paralympic Games.

Ayon sa Brazilian Table Tennis Confederation na ang one-armed athlete ay nagwagi ng apat na Paralympic medals at bahagi ito ng koponan na sasabak sa Pari Olympics.

Ang 29-anyos ay nawalan ng kanang braso noong ito ay sanggol pa lamang.

Magiging kahalintulad na lamang niya sina South African runner Oscar Pistorius at Polish table tennis player Natalla Partyka na lumahok sa Olympic at Paralympic Games.

-- ADVERTISEMENT --

Naging pinakabatang Paralympian sa table tennis si Partyka na lumahok sa Sydney Olympics noong 2000 sa edad nitong 11 at naging unang table tennis player na sumabak sa Olympics at Paralympics na ginanap sa Beijing noong 2008.