
Dalawang sakay ng isang light plane ang nasawi matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Brgy. Panalicsican, Concepcion, Tarlac ngayong Sabado, Oktubre 18 bandang alas-11 ng umaga.
Kinilala ang lalaking biktima na taga-Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamang babae.
Nasa Concepcion District Hospital na ang mga labi ng mga biktima.