Walang nasaktan sa mga miembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA)matapos paputukan ang kanilang detachment sa Brgy Balanni, Sto Niño , ng mga hinihinalang miembro ng Communist Terrorist Group (CTG), pasado alas nwebe ngayong gabi.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, biglang dumating ang hindi pa mabatid na bilang ng di umano’y miembro ng CTGs at pinaputukan ang nasabing detachment.

Gumanti naman ng putok ang mga miembro ng CAA kung saan tumagal ang putukan ng sampu hanggang 15 minuto.

Sa ngayon,inaalam pa kung may nasaktan sa grupo ng hinihinalang CTGs.

-- ADVERTISEMENT --